Ulan... Ulan...
Leon Asilo
Ulan Ulan andiyan ka na naman.
Ikaw ba ay kakampi o ikaw ay kaaway?
Tuwing ika’y dumarating kalamnan
ko’y nangangatal.
Kapag ika’y nagtatagal ako’y nagiging banal.
Ulan ulan pakiusap ika’y tumigil na
Kaming taga rito ay di na
masaya
Pagkat nilulunod mo mga palayang kay ganda
Mga daang sira na lalo mong sinisira pa.
Ulan ulan ikaw ay umalis
Baka ako sa iyo’y di na makatiis
Baka pwede naman sa disyerto
Ibuhos ang iyong bangis
Makapahinga naman kami kahit ilang saglit.
Ulan ulan matanong ko nga?
Bakit ngayo’y kaydami ng iyong luha?
Ang mga pumutol ng kahoy - di kami ang maygawa
Sila ang parusahan mo, sa amin ikaw ay maawa
Ulan ulan mga mata ko’y nangangalay
Ngunit pangambay hindi pa napaparam
Dati mong pasalubong ayaw ko nang matikman
Sana bukas pag gising ko’y wala ka na sa tabihan.