Followers

Sunday, August 1, 2021

Ulan..Ulan...

Ulan... Ulan...

Leon Asilo


 Ulan Ulan andiyan ka na naman.

Ikaw ba ay kakampi o ikaw ay kaaway?

Tuwing ika’y dumarating kalamnan
ko’y nangangatal.

Kapag ika’y nagtatagal ako’y nagiging banal.


Ulan ulan pakiusap ika’y tumigil na

Kaming taga rito ay di na
masaya

Pagkat nilulunod mo mga palayang kay ganda

Mga daang sira na lalo mong sinisira pa.

Ulan ulan ikaw ay umalis

Baka ako sa iyo’y di na makatiis

Baka pwede naman sa disyerto
Ibuhos ang iyong bangis

Makapahinga naman kami kahit ilang saglit.

Ulan ulan matanong ko nga?

Bakit ngayo’y kaydami ng iyong luha?

Ang mga pumutol ng kahoy - di kami ang maygawa

Sila ang parusahan mo, sa amin ikaw ay maawa

Ulan ulan mga mata ko’y nangangalay

Ngunit pangambay hindi pa napaparam

Dati mong pasalubong ayaw ko nang matikman

Sana bukas pag gising ko’y wala ka na sa tabihan.


Thursday, November 26, 2020

Happy nth Monthsary Silvics!

 Happy Nth...Monthsary Silvics

Leon Asilo


Maraming taon na ang nakalipas

Subalit tanda pa ang lahat

Nang ang mapungay mong mata ay nangusap

Matamis mong oo sa akin ay iginawad.


Mga araw, lingo, buwan ay nagdaan

Taon ay tumalima kapagdaka naman

Tayo’y nagpangita sa harap ng altar

Sa hirap o ginhawa walang mang-iiwan.


Mahal ako ay may aaminin

Bago tayo ay wala talagang pagtingin

Lamang habang tumatagal lagi kang napapansin

Umaasang balang araw ikaw ay maging akin.


Salamat sa pag-aalaga mo sa amin

Bilang asawa wala ng mahihiling

Bukod sa halakhak mong nagpapakilig sa akin

Ay makapag Chess ...ang aking lambing.


Happy monthsary Silvics...

From Journal (Kabalikat)

Limot mo na ano?

11.27.1996


Wednesday, November 25, 2020

Hinaing ng Anak

Tatay...Nay pwede ga 

Huwag na kayong mag away

Lagi na lang kayo

Ay nagbabangayayan

Maaari gang mag-usap

Ng masinsinan

Nakakahiya na eh

Sa mga kapitbahay.


Tay alam namin

Maganda ang iyong layon

Kaya lang 

Tigilan na pagsi sermon

Bangayan nyo ni Nanay

Itapon na sa kahapon

Sa pagkukumpuni ng bahay

iyong oras ay igugol 


Nay wag ka nang

Makipag tsismisan

Kaming mga anak

Iyo na lang alagaan

Magpasupil na

Sa Tatay nating mahal

Ang mabuting adhikain

Iyong suportahan.

ANORM CHRISTMAS PARTY

ANORM stands for Association  of National & Provincial Offices of Oriental Mindoro.  Our President Ms. Nerie of Philhealth said, she doe...