Tanikala!
Leon Asilo
Kailan nga ba makakalaya?
Tanikalang huwad kailan mawawala?
Ito nga ba'y isa lang gawa gawa?
Panginoon tanggalin na ang sumpa!
Kagabi ako ay natulog ng napaka himbing
Naalimpungatan biglang napatingin
Kapaligiran ay lumuluningning
Mundo ay naghilom sa sakit ay gumaling!
Kapagdaka mga mahal ay nakatalamitam
Maari daw bang kami ay mamasyal?
Dagling nag-isip di na pinagtagal
Doon tayo sa Cocofarm ihahanda ko ang sasakyan!
Ang mga lutuin agad na nililok
Amoy pa lang ako'y napapalunok
Pananabik malapit ng maarok
Si Muxy agad pinaharurot!
Bumulaga ang munting paraiso!
Nababalot ng mga galang paruparo
Kakaibang ugat naglipana kahit saang dako
Kapayapaan damang dama ko!
No comments:
Post a Comment